Panalangin sa Biyernes Santo | Panalangin para sa mga Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao

PANALANGIN SA BIYERNES SANTO

Abril 3, 2026
Rev. Edwin Egar
United Church of Christ in the Philippines (UCCP)

 

“Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” (Juan 15:13)

Anong ibig sabihin ng sakripisyo ng pagiging isang human rights defender?

Sa panahon ng Semana Santa, ano ang ibig sabihin na itaya ang buhay para sa iyong mga kaibigan at sambayanan?

Panalangin para sa mga Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao

O Diyos ng kasaysayan — Kayo, bilang nakilala namin na tagapagtanggol ng mga dukha at inaapi, naalala namin ang mga ginawa Mo noong kilalanin Mo ang mga pagkaraniwang tao sa sandali ng kanilang pagdurusa. Kaalinsabay nito sa pagdiriwang namin ng Semana Santa, nakikita rin namin sa aming panahon ang mga Tagapagtanggol sa Karapatan ng mga dukha at pinagkakaitan ng katarungan. Hindi matatawaran ang kanilang dedikasyon sa paggampan ng gawain kung paano nila isakripisyo ang kanilang lakas at talento. Hindi nila alintana ang panganib na kanilang sinusuong sa bawat biktima ng estado na kanilang ipinagsasanggalang. Ganito ang pagmamahal na ipinakita Ninyo, at ganito din ang pagmamahal na aming ipapagpatuloy.

Hindi man sila ligtas sa pag-akusa sa mga gawa-gawang kaso — red-tagging at iba pang pandarahas sa kanilang hanay, at ang pinakamasahol ay ang pagpaslang; hindi mabilang ang mga abogadong pinaslang dahil sa kanilang pagtatanggol sa mga biktima ng pangangamakam ng lupa sa Negros. Sariwa pa po sa aming alaala si Atty. Ben Ramos, at ang tagapagtaggol ng karapatang pantao na si Sara Alvares, at si Eden Marcellana at marami pang iba sa hanay ng mga magsasaka, estudyante, mga manggagawa, mga maralitang taga-lungsod, at mga katutubo na nagsilbing tagapagtanggol ng karapatang pantao sa sektor na kanilang kinikilusan bilang isang anyo ng pagsisilbi.

Kung kaya sa paggunita namin sa Iyong mga sakripisyo, itinatangi din namin ang kanilang natatanging ambag sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay na Iyong ipinagkaloob.

Maraming salamat po sa buhay at pagsisibi na kanilang inialay sa bayan.

Ito po ang aming dalangin sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.